lalapit sayo’t sasamahan ka
mayamaya pa’y kakalungin ka
at ang kanta’y sisimulan na
katawan mong pagal aking hahaplusin
sa yakap ika’y aking pupuspusin
mga daliring hindi na mapigilan
nasasabik nang ika’y kanyang dampian
sandaling dampian ka ng aking mga daliri
sa iyong makikintab na labi
anim man itong pilit na kakapain
tunog mong dala’y sasabayan pa rin
ngunit kahit anong sabay aking gawin
pilit na pinagsasalita ang iyong mga labi
hanggang ngayo’y di ko pa rin mawari
tunog na sambit aking di mabatid
wala na nga sa ating nangyayari
sinasambit mo’y di talaga mawari
tunog na nais ay di makamit
nang mga daliring kumakalabit
tutal wala na rin nmang nagbabago
wala na rin namang nabubuo
mabuti pang ihiga na lang kita sa kama
at hahayaan na lang ulit na mag-isa
mas mabuti nga siguro tigilan ko na
ang kahibangang ito
ang masabayan ka ay isang panaginip
panaginip na malabo ng mangyari pa
at sa saglit ngang ika’y aking iiwanan
nangangahulugan ba ito ng iyong paglisan
dahil ikakatakot kong makita
matinding sakit na aking madarama
ang tanging hiling ko sa iyo sa iyong paglisan
maging totoo dahil ang pinakamahirap sa mga ito
ay ang ika’y iwanan ko
-November 9, 2007