Tuesday, August 17, 2010

kuwentong sabit

(from the blog of my favorite writer- noringai)
the whole story here


"ang tunay na pag-ibig, madalang lang ang biyahe niyan. kaya pag dumaan sa iyo, parahin mo, sumakay ka, kasi baka di na bumalik iyun, siguro nga, babalik pa, pero pano kung may sakay ng iba, sasabit ka na lang ba?"

finorward ito sa akin two years ago. hanggang ngayon, naka-save pa rin siya sa akin sa cellphone ko.

hindi ako sumasabit sa jeep pero last year, pinilit kong sumakay kahit na alam kong may nauna na sa akin. puno na ang sasakyan pero nagpumilit ako. baka lang kasi maka-puwesto ako. baka kasi mag-decide iyong driver na pababain iyong pasahero na nauna sa akin at ako na ang piliin.

for 14 months, i had a colorful ride, kahit na hindi ako sigurado kung ano mangyayari sa akin. basta masaya ako, that's what matters. di bale na nauuntog ako o nahihirapan dahil sa pakikipagsiksikan sa nauna na sa akin. di bale na kung maraming beses na syempre, dahil sabit lang ako, hindi ako ang priority ng driver. nag-kasya na ako sa hanggang san niya lang ako puwede ihatid, o kung gaano kaliit na space lang ang puwede niya mabigay sa akin. di ako puwede mag-reklamo kasi, pinili ko iyun. magtiis dapat ako.

pwede naman kasi ako bumaba at maghanap ng iba, pero hindi...kasi, umaasa kasi ako na baka magbago ang ihip ng hangin.

pero habang tumatagal, naiinip na ako. hanggang kelan ba ako sasabit? tapos, nalaman ko, aba, hindi pala ako nag-iisa. may kasama pala ako sa paghihintay na bumaba iyong isang pasahero. kaya na-threaten ako. and i decided na hindi puwedeng magsawalang-kibo na lang ako.

kaya nung tumagal-tagal, nagiging demanding na ako. na gusto ko, ako lagi nasusunod. sabit nga lang ako pero ako ang lagi nagde-decide kung san kami pupunta. tapos, nagagalit kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko.

ang ending, dahil sa pagpupumilit kong sumakay, nahulog ako... nasaktan. pero ang mas masakit, iyong driver, pinababa ang pasaherong nauna sa akin, pero may iba naman na pinasakay. hindi iyong kasabay kong naghintay. iba pa! sabi, nauna daw sa amin iyong bagong pasahero. hindi ko lang napansin kasi nakasakay siya dati sa ibang jeep, lumipat lang.

pero ngayon, naisip ko, magaan kasi siya kaya siya ang pinili. para hindi mahirapan ang driver sa pag-pasada. leche. ako daw kasi, literally at figuratively, mabigat dalhin.

minsan nga naisip ko, sana, nung una pa lang, nilaglag na lang niya ako. sana hindi na umabot ng ilang buwan. di na sana ako pinaasa na ako lang ang magiging pasahero niya until the end. eh di sana, di nasayang ang oras ko. di sana, nakahanap ako ng ibang jeep na masasakyan. eh di sana, hindi ako masyadong nasaktan.

pero on the other hand, dahil sa nangyari, natuto ako na hindi na ako sasabit kahit kailan. maghihintay na lang ako ng bakanteng jeep. kung walang dumating, puwede naman mag bus o magtaxi, o kaya maglakad mag-isa.


-----------
darn,. i can relate!